In my 16 years of existence, akala ko namanhid na ako sa dami ng sakit na dinanas ko. Hindi pa pala. Nagkamali ako. Kasi hanggang ngayon umiiyak padin ako. Sabi ko dati hindi na ako iiyak kasi pagod na ako. Sabi ko dati hindi ko nalang papansinin sinasabi nila. Sabi ko dati, malakas ako. But right now, why do I feel so vulnerable? Sabi ko hindi ako papaapekto sa sasabihin ng iba. Akala ko as days would pass, mas magiging matatag ako. Pero bakit bakit feeling ko mas humihina ako? Andaming tumatakbo sa isip ko ngayon na hindi ko na alam kung pano ko sila ico-conceptualize lahat.Siguro nga nagpapakatatag lang ako kapag ibang tao ang kaharap ko, pero pag pasok ko sa kwarto, wala na. Wala na yung matatag na ako. Kinain na ng problema. 

I always try to be optimistic in every way possible pero tangina nakakapagod na. Niloloko ko lang sarili ko eh. Tapos yung iba kung makapang husga kala mo alam nila nakaraan ko. Di ko pa nga kilala sarili ko eh, kayo pa kaya? Dumating ung mga oras na parang susuko na ako pero ang iniisip ko na lang, “Hindi ka pedeng sumuko, ipapakita mo pa sa kanila na may patutunguhan ka diba?” Sa lahat ng taong kilala ko, wala pa akong kilala na naka-appreciate sakin ng buo at sa kung meron ako, kahit pamilya ko hindi ako ma-appreciate. Hindi ko pa sila narinig na naging proud sila sa mga naabot ko sa buhay. Kung pupurihin man ako, laging may side comments, may comparison. 

Kanina ko napagtanto na kaya pala ako ganito kasi hindi ko mailabas lahat ng kinikimkim ko. Hanggang tumblr nalang ako. Hanggang pagkausap nalang sa isang teddy bear. Hindi ko na maalala yung huling beses na nakapagsabi ako ng malaking problema sa bahay. Tapos eto nakaka stress pa lalo ang college. Lalo na ‘tong accountancy. Akala ko susuko na ako kasi nakakapagod na, pero nung nakita ng dos ang grade ko sa funacco, nagka liwanag eh. Parang gusto kong ituloy, gusto kong tapusin, gusto kong iprove sa kanila na meron akong magagawa, may matatapos ako. Pero pag uwi ko ng bahay at sinabi yung grade ko sa funacco, wala. Wala lang sa kanila. Mag-aral pa daw ako. Halos mabaliw na nga ako kakaaral pero wala pa din pala. Akala ko okay na ako sa dos kase mataas na yun sakin, pero kulang pa sa kanila. Eversince highschool, hindi naman nila ako naiintindihan eh. Alam kong mahirap kumita ng pera at pag aralin ako. Pero na-appreciate ko naman un ng sobra eh. Pero ako din naman naghihirap ah, pero bat di nila ma-appreciate. Nasasagot ko na nga sila minsan kase ang sakit sakit na ng mga sinasabi nila. Tapos ayun ako rin ung lalabas na masama kasi sinagot ko sila. Nakaka bullshit naman eh. Can’t I explain myself? pede ba nila ako bigyan ng oras apara ipaintindi sa kanila na marami namang bagay na hindi ko kaya. Hindi ko naman laging malalagpasan ang expectations nila eh. Pero sana matuwa naman sila sa small things na ginagawa ko. Kung ganito nalang lagi, hindi ko na alam kung kaya ko pa. Baka isang araw sumabog na lang ako, literally. Ang hirap, nakakapagod. Ang hirap kimkimin, kase kahit naman may pagsabihan ako, di din nila ako maiintindihan. Siguro maingay at madaldal ako pero hindi ako vocal sa nararamdaman ko. Siguro nga I look bright kase gusto ko makita ng iba na masiyahin ako. Ano kathleen? Pakitang tao ka nalang ba habang buhay? Sana naman makakilala ako ng tao na kaya akong i-appreciate.Para naman tumaas taas self esteem ko. Grabe ayoko na. Lord, please guide, give me strength na magpatuloy, give me peace of mind para mainitindihan ko sila, and please guide everyone around me po.

Isn’t it sad when you feel so bad that all you can ever do is to smile and show people that you’re happy?

08/21/14

It feels bad when you know you’re doing your best to be responsible and do everything that you could but in the end people won’t appreciate what you’ve done and will call you irresponsible.

I’m slowly learning not to let my happiness depend on other people.

Hi blog. Nakakabadtrip lang today. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Andaming nangyari na di inasahan. Andami ko kasing kinikimkim kaya nung binurst out ko, di ko napigilang umiyak. Aish. Kasi naman nakaka stress, nakakapressure maging mayor. Okay lang naman sakin eh kasi nae enjoy ko din, kasi nga lang may mga kaklase ka talagang hindi marunong tumanaw ng utang na loob, di marunong magpasalamat, hindi responsable at hahanapan ka palagi ng mali. I know, may mga mali din naman ako. Inaamun ko minsan nakakalimutan ko mga dapat gawin, hindi ko na naipapaalala sa kanila pero I make sure naman na ina announce ko lahat. Pero hindi ko naman responsibilidad na paalalahanan ang bawat isa diba? Diba? Sorry kung 6:30 am ko naipaalala. Sorry kung di ko naannouce kagabi. Sorry kung naiwan mo ung papel kasi nung umaga ko pinaalala. Putakte naman oh. Sorry sa di napaalalahanan. Pero pare naman oh, last week pa yan binigay! Monday ang submissions. Pumayag na nga ako ng tuesday kasi hindi lahat may dala. Tapos wala pa din kanina. Di ko na nga dapat pinaalala pa eh.
Tapos yan naggagawa ng assignment ng ibang subjects. Sus di ko ikakaila ma ginagawa ko din yan. Pero kanina napagalitan talaga kami. MUNtik na kaming ipa DO. Pero ang kinainisan ko naman yung mga gumagawa pa din kahit nasa unahan na ung teacher, galit na at tahimik lahat. PAAno mo matitiim na gumawa nyan? Grabe respeto naman diba. Oh ano tapos sa class officers ibeblame ang pagiging iresponsable ng kaklase? Nagkulang pa ba kami sa pagpapaalala? Grabe. May ginagawa tin akong akin. Mahirap pero kinakaya ko. Buti nga ginagawa ko un. Kasi ung ibang sections walang initiative talaga. Hayy ewan bahala na.

Bigla tumawag si pare, ako naman ay nagulat pero sinagot ko. Tapos walang sumasagot, pinatay ko na. Tapos nagtext ang luko at napindot daw ng malikot nyang kapatid. Aww sayang nemen. Kakamiss kausap un hahaha. Skl. Hi blog.

Cancer horoscope for Jul 6 2014
A relationship you once treasured is not giving you the joy or fulfillment that it once did. As someone who is very sentimental, Moonchild, you are very oriented toward nurturing and reveling in your relationships. You hold onto friends for a long time - a lifetime if possible. But now someone isn’t measuring up for some reason. But that may be the circumstances that are causing you to think that way. It may be that you are fed up in some other area of your life, and it is coloring your relationships as well. Before you do anything drastic, give yourself some time to think it over and reflect.
——-
This says it all.

Nothing’s special today. Para ngang normal na araw lang nung paggising ko, who would have thought it could be worse than I expected. It’s my fault anyway, nag expect ako eh. Can’t even remember how many times I cried today.

I was never excited about this day. Alam ko kasing konti lang ang babati, syempre di pa alam ng mga kaklase ko sa college, tapos baka limot na ng mga kaklase ko nung highschool at sa fb lang nila makita. Natulog ako kagabi ng mga 10:30 kasi ayoko na gising ako ng 12:00 at sumagot ng tawag ng kung sino man. Pero I was expecting those 3 people to at least call me and say happy birthday. Nagising ako ng 5:00 and I got 5 messages. They were sent at past midnight. Galing yun kay Kylla, Ate aine, Janelle, Ted at James. There was one missed call. At hindi sya isa dun sa 3 prinedict ko. Si james yung tumawag. I’m happy though. But a bit disappointed. Tapos ayun sumimba lang kami ni lola. Wala naman akong handa, hindi naman ganun ka special kaya okay lang. Sapat na sakin sumimba. Natatakot akong magbukas ng kahit anong social network kasi ayokong madisappoint. Pero yeah, binuksan ko. Out of curiousity. Di naman ako nabigo kasi nakakaiyak yung iba kong nabasa. Pero still I wa expect some people that will give me long messages. Maya maya, nagvibrate yung phone ko, a familiar vibration na sa contact nya lang naka activate. He was one of the 3 I was expecting. Syempre na excite ako. But when I opened the message, it says “Happy Birthday!”. Again, disappointment. Tinamad na akong sumagot sa mga greetings after that. Nagkulong ako sa kwarto for like the whole day at nanonood ng My Love From Another Star. Iyak nalang ako ng iyak eh. I was even expecting a great greeting from my dad, but na disappoint lang uli ako, lalo na ung unang minessage nya sa fb chat. Then ayun nanonood nalang ulit ako ng kdrama. The only good thing happened was when my mom called. Habang kausap ko sya, nun ko lang napagtanto kung gaano kalungkot yung birthday ko ngayon at kung gaano nya ako pinahahalagahan. Umiiyak ako habang kausap ko sya. Ang sarap sa pakiramdam na makapagshare sa sarili mong ina. Ganun pala yun. Tapos kinausap ko yung dalawa kong kapatid. Mas lalo akong naiyak nung malaman ko kung gaano sila ka eager makausap at mabati ako. Umalis pa sila ng bahay para makasagap ng wifi. Parang nakalimutan ko lahat ng sakit sa puso ko dahil dun. Then the other one I was waiting for, ayun binati na ako, saying just a plain “Happy Birthday :)” No calls or text. Bumalik na naman yung disappointment ko. Tapos yung huling taong kong inaantay, si bespren. Di ko nga alam kung tanda nya pa. Tapos ayun, habang nagbabantay ako ng tindahan, umulan ng malakas. Kausap ko lola ko, tapos bigla syang dumating, galing sa basketball court, pauwi na sya, nanghihingi ng plastic, mababasa daw kasi cellphone nya, di ko alam kung nakita nya ako nun kasi nasa loob ako ng natindahan, pero ipinakita ako ng lola ko. Tapos pumasok ako sa loob ng bahay kasi ang awkward. Tapos narinig kong nanghihiram sya ng payong, bigla naman akong tinawag ng lola ko at ipahiram ko daw payong ko. Tapos yun inabot ko sa kanya, ibabalik nya daw mamaya. Tapos umalis na sya, leaving me disappointed again. Hayy. Pero marami din namang nakapagpasaya sakin ngayon, pero nababalot na ata ng hinanakit ang puso ko ngayon. Andami ko pang ine expect na tao. Hindi pa tapos ang araw. I’ll wait. Yai ng mag expect, di ko naman yun mapipigilan. 

Salamat sa mga taong nag effort bumati ng mahaba. Kung sino pa yung mga kaclose ko, sila pa nakalimot. Okay lang yun, ganun talaga. Sinadya ko namang hindi ipaalala sa mga tao eh. Siguro eto yung biinigay ni God for today, ia accept ko naman lahat ng ‘to eh :) Kaya ko ‘to. Ako pa.